Mateo 24:43-44
Ang Biblia, 2001
43 Ngunit(A) unawain ninyo ito, na kung nalalaman ng puno ng sambahayan kung anong bahagi ng gabi darating ang magnanakaw, magpupuyat sana siya at hindi niya hahayaang pasukin ang kanyang bahay.
44 Kaya, maging handa rin naman kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.
Read full chapter
Lucas 12:39-40
Ang Biblia, 2001
39 Subalit(A) alamin ninyo ito, kung nalalaman ng may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y[a] hindi magpapabayang mapasok ang kanyang bahay.
40 Dapat din kayong maging handa, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 12:39 Sa ibang mga kasulatan ay mananatiling gising .
Apocalipsis 16:15
Ang Biblia, 2001
15 (“Masdan(A) ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising at nakadamit,[a] upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang kahihiyan.”)
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 16:15 Sa Griyego ay nag-iingat sa kanyang mga damit .